Ito nanaman ang panahon na tinatamad ako. Yung tipong ayaw kong gumawa ng kahit ano kung 'di humiga, matulog at kumain. In short, buhay baboy. Hindi ko alam kung anong meron nanaman sa akin at ito nanaman ang nararamdaman ko. Dahil siguro ako ay bored, at naghahanap ng excitement sa buhay. Siguro, kailangan ko ng bagong mangyayari sa buhay ko, yung break ba from the routine life. Sa katunayan nga eh, dapat hindi ako ngbblog eh, may dapat akong gawin na mas importante pero eto ako, nagsousound trip at nagbblog.
Eto pa ang isa kong nararamdaman. Ang matinding pagkamiss sa aking mga kaibigan. Masyado na kaming busy sa aming buhay, dahil graduating na kami. Sa 7 kong super close na mga kaibigan, yung 4, sobrang bihira nalang kami magkita kahit na sa isang school kami nag-aaral. Yung 3 naman ay nasa ibang school, hindi kami makapunta sa isa't isa dahil sa layo at sa sobrang busy ng schedule namin.
Kadalasan naiisip ko, na sana bata na lang ulit ako. Walang responsibilidad, walang iniintindi, walang obligasyon. Buhay na simple lang at walang pinoproblema. Sympre alam ko na hindi pwede na ganito lang ang buhay lagi, kasi you need to grow. Pero hinahangad ko lang naman ang ganitong buhay, buhay na masaya.
Haaayyy.. Hindi ko alam. Kailangan ko lang talaga siguro ng isang bagay na magtutulak sa akin para naiisin ko magsipag. Siguro kailangan ko lang muna lumayo sa magulo at maingay na mundo ng Maynila at pumunta sa isang lugar na may buhangin, puno ng niyog at dagat kasama ang aking mga kaibigan at ang pinakamamahal ko sa buhay. Kailangan ko lang siguro makita ulit ang aking mga kaibigan, upang mapawi ang aking pagkalumbay sakanila.
O, sya. Kailangan ko lang siguro itulog ito baka pag gising ko wala na ito. Paalam.