February 25, 2010

Malaya ng makakatakbo si Gng. Arroyo para sa pag kongresista


Ayon sa balita ng pahayagan Philippine Star "It's final: GMA can run for House seat". Si Cong. Hontiveros ay ng apila ng kaso sa Korte Suprema ukol sa paglabag ni Gng. Arroyo sa ating Konstitusyon dahil sa kanyang pagtakbo bilang Kongresista ng pangalawang distrito ng Pampanga.

Sa aking opinyon mukhang pinagplanuhan talaga ito ng campo nina Gng. Arroyo, at alam na alam na nila ang kanilang gagawin. At ang pinapalabas pa nila ay
hindi gusto ni Gng. Arroyo na maging Speaker of the House, at ang sinasabi lang nila ay gusto lang maglingkod nito sa kanyang distrito, sa mga kalapit bayan nito at ang buong bansa. Batayan ang aking nakaraang isinulat dito, mukhang meron nga "hidden agenda" itong campong ito. Pinapalabas lang ni Gng. Arroyo na ayaw niya maging Speaker of the House, sinasabi din ng kanyang mga kaalyado na wag muna ito pag-usapan sa ngayon dahil hindi pa naman eleksyon, pero tignan natin sa bandang huli, lalo na pag naging presidente si Manny Villar, tiyak ito ay mangyayari. Ang lahat ng ito ay isang pasilip o isang babala sa kung ano na ang mangyayari sa ating administrasyon.

Ako naman ay humahanga kay Cong. Hontiveros at sa mga taong lumalaban at hindi sumasangaayon sa mga pangyayari, dahil kahit alam nila na imposible na manaig ang kabutihan laban sa masasama pinagpapatuloy parin nila ang laban at hindi sila nawawalan ng pag-asa. Saludo ako sa inyo! :D Pero sa kasamaang palad, habang hawak ni Gng. Arroyo ang gobyerno at ang mga pulitikong sumusuporta sa kanyan, ang mga kongresista tulad nu Cong. Hontiveros at tayong taong bayan ay aasa na lang na balang araw mananaig and kabutihan.

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=552457&publicationSubCategoryId=63
http://www.sunstar.com.ph/ files/images/cebu-editorial-cartoon-2009_34.jpg,

No comments:

Post a Comment